4.25.2005
Panaginip
Matagal ko na siyang napapanaginapan... Actually talagang matagal
na matagal na.. Muntikan na nga kaming ikasal sa huli kong panaginip...
Kaso... Nahulog ako sa kama! *toinks* yan tuloy! Nagising ako... Pero
sa lahat ng mga panaginip ko na nandoon siya eto ang pinaka-kakaiba...
Ala kasi kaming mga physical contacts noon.. Usap-usap lang... Ewan
ko ba bakit di ko maalala mukha niya! Pero naalala ko ung mga nangyari!
Ang labo talaga! Ah basta! Ung nangyari talaga astig! Sa panaginip ko
nasa beach kami... Pinagmamasdan ang araw... Tapos noong naglalakad
na kami... Bigla ko nalang na-feel na ibaba ung kamay ko tapos siya din
binaba niya din ung kamay nia tapos... Bigla nalang kaming nag-hold hands!
Hindi ko talaga maipaliwang pero mabilis ang mga pangyayari sa panaginip
ko... Basta un na ang nangyari! Habang hawak ko ang kamay niya... Parang
totoong-totoo! Damang-dama ko na parang may kahawak talaga ang mga
kamay ko... Hindi lang kahawak... Pati ang init at lambot ng kamay niya...
Damang-dama ko... Piling-piling mga panaginip lamang ang nararanasan ko
na ganito... Kung hindi ko siya maalala... Ibig sabihin nde special... Alam ko
talaga pag damang-dama ko ung isang bagay kasi dati may panaginip ako na
nahulog ako sa bangin tapos parang totoong-totoo ung sakit... Tapos may
sugat ako sa paa! Un pala nahulog na ako sa kama! Tapos ang sakit sakit
talaga! Tapos bigla nalang ako nagkasugat sa paa! Amazing talaga! Ang mga
bagay-bagay talaga na nagbibigay ako ng interest ay ang mga panaginip...
Kung ano nga ba ang epekto nito sa taong nakakaranas nito... Kaya nga dahil
doon ay noong 3rd year highschool ako... Sumulat ako ng story tungkol sa mga
panaginip... Oo! Tama! Novel xa! Hanggang ngayon nde parin xa tapos kasi
tinatamad ako... Maganda ang framework ng story nia! Kaso... nde masulat2
dahil sa lack ng tym... (katamaran in short) haha! Anyways, priority ko kasi
muna itong blog! I don't want to mess with my characters life for now... (for
now??? E ilang taon mo na kayang nde ginagalaw yang novel mo??????) hehe!
anyways dapat madami akong ididiscuss about dreams kaso kasi tinatamad na
naman ako magsulat... (kelan ba hindi) so... Baka tuloy ko nalang ito next tym!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment