4.10.2005

Paano ako magmahal?


Paano nga ba ako magmahal? Isang tanong na aking pinag-iisipan...
Wala pa akong minahal na hindi ko kapamilya pero kung saka-sakali...
Paano nga ba ako magmahal? Ewan ko kung bakit... Pero minsan hindi ko
talaga maintindihan...

cguro k2lad din ng mga normal na tao... maalaga, maasikaso malambing,
etc, etc... pro kng iisipin kung mabuti kng paano ako mgmahal masasabi
ko na ako ay tlgang mxadong bata pa nga... seloso, naghahanap ng
atensyon... cguro dati pa un kc ngaun ewan ko lng... di ko pa na-try...
(yikes! my pa-try2 pko!) anyways bata pa naman ako, pro gusto ko na
tlga mtangal ung mga ugaling bata ko...

Magulo ako magmahal... Seloso, seryoso, magulo... Minsan ayoko
ng seryoso, gusto ko laging masaya, pero pag seryoso... seryoso!
Seloso ako pero hindi naman aabot sa dating na mawawalan ako ng tiwala..
Seryoso ako hanggang sa dulo ng pagiging seryoso ng kausap ko...
Magulo ako hanggang sa dulo ng pagiging magulo ng kausap ko.....

Kakaiba din ako magmahal... Todo-todo walang preno... Pero
ginagamit ko naman iyong utak ko kasi ayoko naman ng lokohan! At kahit
anong mangyari sisiguraduhin ko na hindi ako maloloko... Ayos na ang
maghintay habang buhay dahil waiting is a virtue... Matagal man akong
maghintay... Sulit naman!

Ayoko na ma-mi-mizz namin ang kahit isang anniversary, monthsary
at lahat pa ng okasyon! Gusto ko siyang laging alagaan pero iyong hindi
siya ma-iispoil at maging dependent sa akin...

Pero sa lahat ng kakaiba, ito ang kakaiba! Pag mahal ko ang
isang tao... Hindi na baleng iwan niya ako... Basta huwag lang ako ang
mang-iiwan sa kanya... Pero sana naman huwag naman niya akong iwan di
ba?! Pero kung ako ay papipiliin... Mas gusto ko na ako na ang iwan
niya... Kaysa ako ang mang-iwan sa kanya... Ewan ko ba? Pero ayaw ko
talagang mang-iwan ng minamahal.. Iniiyakan ko talaga ng todo... Kahit
matawa pa ang marami... Wala akong paki! Mahal ko eh! Angal ka?

No comments: