4.17.2005

Aparador ba o Photo Album???


Binuksan ko ang aparador ko kanina..... biglang bumalik mga alaala.....
Alaala ng nakaraan..... Mga dinaanan at sinaktan.............. (xempre!
ikaw ba naman daanan ko hindi ka masasaktan? iba na nman iniisip mo noh?
umamin ka na!) Tapos bigla kong nakita ang photo album... Photo album
ng tropa... Hehe! Ang laki na ng aming pinag-iba, pati na rin ang mga
alaala... ibang-iba narin sila (nde ako kasama) pati ako, ang laki ng
aming pinagbago... Mga kalokohan noon unti-unting bumalik sa isipan...
Mga hinarap na problema, mga katuwaan at mga asaran... Malaki na talaga
ang iniba ng barkada... Lalong naging mas matatag, lalong naging mas
malakas... Ngayon... Magkasangga kami sa bawat hamon ng buhay, nagtutulungan
dahil ganyan ang tunay na pagkakaibigan! Walang iwanan, kahit hanggang
kabaliwaN! este kamatayan pala! Sa mga letratong nakita ko madami ang
nakakatawa, tawa talaga ako ng tawa! Masayang-masaya ako! Dahil kada lipat
ko ng pahina ng photo album... Para akong bumabalik sa nakaraan at isa-isang
binabalikan ang mga masasayang alaala... Masyado nang nag-iba ang pisikal
naming anyo... Nag-evolve na kami... Ung isa sa amin may bulbulin armor na!
Walang malisya yan ha! Mabuhok kasi yong mukha niya! kilala niyo na siguro
di ba? tanga niyo naman mga 'tol kung di niyo siya kilala! Hindi lang pisikal
ang pinagbago... Pati yata emosyon... Ngayon karamihan sa kanila tumibay ata
ang proteksyon sa puso... Kasi ba naman sugod ng sugod pag na-busted ayan!
Masakit hindi ba? Pero dahil nga nag-mature na... Natatangap din nila...
Oh yan ha! QUits na tayo! Sabihn ko ba namang mature na kayO??? joke lang...
Xenxa na nga pala sa tinamaan... Saka isa pa at least hindi na kayo torpe
di ba? Basted nga lang... Pero ano bang masakit ang tawag? Torpe o Basted???
Parang walang sagot sa pagpipilian eh... anyways mga toys nasaan na tayo???
Nasaan na nga ba tayo? Nakalimutan ko na! Tutuloy ko ito pag naalala ko na!!

No comments: